Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 Chinese drug suspect, dinukot sa Cavite

$
0
0

TATLONG Chinese nationals na may kasong droga ang tinangay ng may 20 armadong kalalakihan habang papunta para dumalo sa pagdinig ng kanilang kaso kaninang umaga (Pebrero 20) sa Trece Martires City, Cavite, ayon sa ulat.

Sinabi ni Cavite provincial police, Calabarzon police director Chief Superintendent Benito Estipona na kinuha ng kidnappers ang dalawang baril na mula sa apat na provincial guards na kasama ng tatlong dayuhan.

Tumakas aniya ang mga suspek sakay sa isang puting van na may plakang WTT 544.

Natagpuan naman ang behikulo na inabandona sa Barangay Aguado sa Trece Martires City.

Kinilala ang tatlong banyaga na sina Li Tian Hua, Wang Li Na at Li Lan Yan na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act, pahayag ni Estipona.

Ikinasa na ang hot pursuit operations laban sa mga suspect para mabawi ang mga banyaga at ang kidnappers para pawang mailagak sa selda.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129