NAMATAY ang isang miyembro ng Tampakan-Philippine National Police (PNP) nang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili habang naka-duty.
Kaugnay nito, hinihintay na lamang ng Tampakan-PNP ang magiging resulta ng post-mortem exam sa biktimang kinilalang si SPO1 Alex Bernal, 46, operations PNCO ng Tampakan-PNP.
Ayon sa salaysay ni Police Senior Insp. Jerwin Maglana, naganap ang aksidente habang nagpapahinga si Bernal.
Nasa tabi nito ang kanyang issued firearm na 12 gauge shotgun nang nadulas ito at aksidenteng nabaril ang kanyang tiyan.
Isinugod siya ng kanyang mga kasamahan sa isang pribadong ospital ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.
Batay sa initial findings, isang putok lamang ang narinig ngunit hinihintay pa nila ang resulta ng autopsy ni Dr. Washington Loreno.
Napag-alaman na 18 taon nang nasa serbisyo bilang pulis si Bernal.
The post Pulis nabaril ang sarili, tigok appeared first on Remate.