IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot na ngayon sa 220 ang bilang ng mga OFW’s na nakakulong sa bansang China dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, karamihan sa mga ito ay babae na may kabuuang bilang na 161 habang 59 ang lalaki.
Sa nasabing bilang, 22 dito ang nahatulan ng bitay, 12 ang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo habang 144 naman ang nasampahan ng fixed term o mabibilanggo ng 10 o higit pang taon.
Ang mga OFW’s ay biktima umano ng mga druglords na ginagamit silang drug mule o courier.
Sa ngayon, aabot pa sa 12 ang nakabinbin na kaso laban sa mga Pinoy na nakakulong sa ibang bansa.
The post Mahigit 200 OFW’s sa China kulong sa droga appeared first on Remate.