ISA ang patay habang tatlo ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyang van sa bangin sa bahagi ng Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kinilala ni Police Senior Inspector Ismael Madin, Hepe ng Sultan Kudarat PNP ang namatay na si Freddie Itak, 40, ministro ng Iglesia ni Cristo (INC).
Galing aniya sa North Cotabato ang mga biktima nang mapadaan sa sirang highway na siyang dahilan upang mahulog sa 40 talampakang bangin.
Dahil dito, tatlo pang mga biktima na nagkaroon ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isinugod at nagpapagaling na ngayon sa ospital.
The post Van dumayb sa bangin sa S. Kudarat, INC minister tigok appeared first on Remate.