Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 todas sa leptospirosis sa Pangasinan

$
0
0

TATLONG katao ang naitalang namatay sa Pangasinan Provincial Hospital dahil sa sakit na leptospirosis.

Kinilala ni Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH sa lungsod ng San Carlos ang mga biktima na sina John Kenneth Nazareno, 18, ng bayan ng Manaoag na namatay noong May 7, Cesar Acosta, 38, mula sa bayan ng Malasique na namatay noong June 24 at Bongbong Gumawid, 23, mula naman sa bayan ng Calasiao.

Sa ulat, hindi umano agad nadala sa pagamutan ang tatlong biktima kaya’t hindi nabigyan ng pangunang lunas dahilan para bawian ng buhay.

Nangangamba naman ang PPH na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima ng leptospirosis dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha.

Nanawagan naman ito sa publiko na mag-ingat at magsuot ng proteksyon sa paa kapag susuong sa tubig baha o kaya’y magpatingin agad sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas ng leptospirosis.

The post 3 todas sa leptospirosis sa Pangasinan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>