PATAY ang isang 43-anyos na lalaki nang makuryente sa tangakang pagkabit ng “jumper” sa poste ng Meralco sa Tondo, Maynila kaninang umaga.
Kinilala ang biktima na si Eduardo Angor ng 1227 Bambang St., Tondo.
Ayon kay Det. Richard Limuco ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong 7:00 ng umaga nang umakyat ang biktima sa poste ng Meralco upang magkabit ng “jumper”
Hinala ng mga tauhan ng Meralco na nahawakan nito ang isang live wire na nagresulta sa kanyang pagkakakuryente dahil naabutan pa itong nakakapit sa isang kable.
Wala ring suot na tsinelas o anomang proteksyon sa katawan ng umakyat ang biktima sa poste.
Nahirapan din ang mga rescuer na alisin ang biktima sa poste dahil sa pagkakaipit nito sa mga sala-salabat na kable.
Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang naganap na foul play sa insidente.
The post UPDATE: Nagkabit ng ‘jumper’, patay na appeared first on Remate.