Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

44 Taiwanese, timbog sa anti-cybercrime group sa Iloilo

$
0
0

NASAKOTE ng anti-cybercrime group ang 44 Taiwanese sa magkahiwalay na raid sa Iloilo City.

Batay sa ulat sa 14 Second Avenue East sa Ledesco Village, Jaro City, nadakip ang 21 Taiwanese bandang alas-2:00 kahapon, Miyerkules.

Telephone fraud at money laundering ang modus ng mga nasakoteng suspek.

Narekober dito ang mga modem, router, laptop at iba pang kagamitang pangkomunikasyon.

Ayon sa intelligance division ng Iloilo City Police Office (ICPO), hinihikayat umano ng mga Chinese sa Mainland, China ang ginagawa ng mga ito.

Dahil sa tangkang pagtakas, nasugatan sa kaliwang kamay ang isa sa mga ito.

Samantala, sa Guzman Jesena Subdivision sa Mandurriao, Iloilo naman nahuli ang 23 pa dahil din sa parehong modus.

Nakumpiska ang mga kagamitan nito tulad ng radio communication set, telepono, computer set at mga passport.

Nagsisilbi umanong cyberlab ng mga sindikato ang nasabing bahay.

Wala aniyang ideya ang may-ari ng bahay na mga sindikato umano ang nagrerenta dito.

Dadalhin ang 44 suspek sa Maynila upang makasuhan sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 8484 o Access and Devices Act of 1998.

The post 44 Taiwanese, timbog sa anti-cybercrime group sa Iloilo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>