ISA pang suspek sa pagkamatay ni Guillo Servando ang umano’y susuko na anomang araw simula ngayon.
Una nang sumuko ang dalawang suspek na hanggang ngayon ay hindi pa pinapangalanan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kaugnay nito, patuloy namang nananawagan si Aurelio Servando, ama ng biktima, sa mga suspek na sumuko na at panagutan ang sinapit ng kanyang anak.
Namatay si Guillo Servando dahil sa matinding pinsalang tinamo sa isinagawang hazing ng Tau Gamma Phi fraternity noong gabi ng June 28.
The post Suspek pa sa Servando case, susuko na appeared first on Remate.