SINALAKAY muli ng Laguna police ang shabu den sa may Sitio Tramo, Barangay Canlalay, Biñan City, Huwebes ng madaling araw.
Sa naturang raid ay dinampot ng mga awtoridad ang 14 katao na naaktuhang nagpa-pot session.
Unang ni-raid ang naturang shabu den sa tabi ng riles noong Pebrero 15 (2013) lamang kung saan hinuli ang may 65 katao.
Kinumpiska rin ng mga kinauukulan noon ang ilang sachet ng shabu, shabu paraphernalia at mga fruit game at video karera.