NAMATAY ang dalawang minero habang nagpapagaling sa ospital ang mga kasamahan nito makaraang ma-gas poison sa isang pocket mining tunnel sa Mankayan, Benguet.
Kinilala ang mga namatay na sina Dante Liniason at Elton Mabintas, habang kinilala rin ang mga sugatan na sina Nobres Quitaclibag, Elvis Lambino, Jessie Lambino, Dominic Ollo, Dunes Gumbe at Carlie Sayen.
Ayon sa report ng PNP Cordillera, naganap ang insidente sa loob ng tunnel nang sumabog ang water pump na sinasabing dahilan ng gas at vapor emission na nagresulta sa oxygen deprivation sa mga biktima.
Kasalukuyang nasa Mankayan District Hospital ang anim na biktima at nilalapatan ng lunas.
The post 2 minero sa Benguet, tigbak sa gas poison appeared first on Remate.