BUHOL-BUHOL na trapiko ang idinulot ng 18 sasakyang nakarambola sa Marcos Highway sa Marikina City.
Ayon sa Marikina rescue, 16 na kotse, isang trailer truck at isang motorsiklo ang sangkot sa naturang aksidente.
Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng isang container van dahil hindi kumagat ang preno nito dahilan ng aksidente.
Sa report ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa walo ang naitalang sugatan sa naturang insidente na agad namang naisugod sa pagamutan.
Tatlong ambulansya naman ang ipinadala ng MMDA sa lugar habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
The post 18 sasakyan, nagkarambola sa Marcos Highway appeared first on Remate.