DEAD-ON-THE-SPOT ang isang mister habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang misis matapos tamaan ng kidlat sa Sitio Kinabkaba, Brgy. Lumaynay, Altavas, Aklan.
Kinilala ang namatay na si Rogelio de Pedro, 54, na nagtamo ng grabeng sunog sa katawan habang ginagamot pa sa Aklan Provicial Hospital si Yolanda de Pedro, 51.
Batay sa impormasyon, nanonood ng TV ang mag-asawa habang patuloy ang malakas na pag-ulan sabay bagsak ng kulog at kidlat na tumama sa mga biktima.
The post Mister todas, misis sugatan sa kidlat appeared first on Remate.