ISA na namang guro ang pinaslang sa bayan ng Bula sa lalawigan ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Loraine Albao, guro sa Sto. Niño Elementary School.
Nabatid na may mga armadong kalalakihan ang kumatok sa gate ng bahay ng biktima na pinagbuksan naman nito.
Posible umanong kakilala ng biktima ang mga suspek dahil pinapasok niya ito sa bahay ngunit bigla na lamang siyang pinagpupukpok sa ulo hanggang sa mamatay.
Nang marinig ng ina ng biktima at ng dalawa nitong anak ang pangyayari kaya lumabas ang mga ito na nadamay din sa pananakita ng mga suspek.
Nagtamo ng sugat ang tatlo na agad namang nakatakbo at nakahingi ng tulong at hanggang ngayo’y patuloy pang nagpapagaling sa ospital.
Pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang dahil narekober ang mga appliances ng biktima maging ang bag nito ilang metro lamang mula sa kanilang bahay na posibleng naiwan ng mga suspek habang tumatakas.
Labis naman ang pagdadalamhati ng mga katrabaho at estudyante ni Albao na kilala bilang mabait at magaling na guro.
Kaugnay nito, mas pinalalim pa ng pulisya ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
The post Guro patay, ina at dalawang anak, sugatan sa magnanakaw appeared first on Remate.