ISANG misis ang ginahasa habang natutulog ang mister nito sa loob mismo ng kanilang bahay sa Quezon.
Dahil sa reklamong rape, isinailalim na ngayon sa eksaminasyon ang nagahasang ginang.
Batay sa salaysay ng ginang sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na natutulog na ang 21-anyos na biktima kasama ang kanyang asawa nang biglang pumasok sa kwarto ang suspek na kinilalang si Bernard Rubio.
Matagal na umanong may masamang hangarin ang suspek kaya tyinempuhan nitong tulog ang biktima na tinutukan pa ng kutsilyo.
Sa takot na saktan siya ng suspek, sumunod na lamang ang biktima at tahimik na lumabas sa kanilang kwarto.
Nang marating ang sala, pinahiga umano ng suspek ang biktima at doon na isinagawa ang panggagahasa na hindi namalayan ng tulog nitong mister.
Mabilis na tumakas ang suspek na ngayo’y pinaghahanap na ng awtoridad.
The post Misis, ginahasa habang tulog ang mister appeared first on Remate.