Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Teroristang Australian, nasakote ng BI

$
0
0

NASA kustodiya na ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang Australian national na hinihinalang nagre-recruit ng mga Pinoy para maging kasapi ng teroristang grupo sa labas ng bansa.

Napag-alamang kanselado ang passport ni Robert Edward “Mosa” Sirantonio, kaya nagdesisyon ang pulisya na arestuhin ito at dalhin sa BI para sa kanyang deportation.

Una rito, dalawang linggo na umanong minamanmanan ang teroristang supporter ng Islamic State of Iraq and Syria sa Brgy. Pahak, lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu.

Hinuli ng mga awtoridad ang suspek at kasabwat na isang Pinay na kinilalang Joan Montaire alyas Myra Asnawix.

Narekober sa kanila ang ilang cellphone, sim card, memory card, flash drive, dalawang kopya ng Koran at laptop bag na naglalaman ng mga dokumento.

Mas kilala si Sirantonio sa pangalang “Musa” na nababanggit sa mga international news articles at sa youtube na nagpapanawagan ng Jihad.

Ayon kay PRO-7 Deputy Chief Pol. S/Supt Conrad Capa, bago natunton ang kinaroroonan ng suspek, nagsasagawa na sila ng surveillance sa loob ng dalawang linggo.

Sinabi naman ni PRO-7 Reg.Dir.Tom Bañas na ang dalawa ay nasa watchlist na ng Bureau of Immigration (BI).

Pero iginiit ni Bañas na hindi pa pwedeng masabi sa ngayon kung may kinalaman ba ang suspek sa mga nangyayaring pambobomba at terror threat sa Mindanao.

Sa ngayon, inihain na ng BI ang warrant of deportation laban sa sinasabing terorista.

The post Teroristang Australian, nasakote ng BI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>