TINUTUMBOK na ngayon ng bagyong Glenda ang Southern Luzon.
Dahil dito, pinaghahanda ng PAGASA ang mga residente dahil sa nakaambang pagtama ng tropical storm Rammasun o tatawaging bagyong Glenda kapag pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR).
Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,540 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.
Sa ngayon ay taglay na nito ang lakas na 65 kph, ngunit inaasahang lalo pang lalakas habang papalapit sa ating bansa.
Inaasahang papasok ito sa PAR sa susunod na 24-oras, habang mararamdaman naman ang epekto sa huling bahagi ng linggong ito.
The post Southern Luzon, tinutumbok na ng bagyo appeared first on Remate.