NAGBARILAN ang dalawang pulis dahil sa gitgitan sa kalye, sa bahagi ng Herbosa St., sa Tondo, Maynila, kaninang madaling-araw.
Kapwa sugatan ang mga pulis na ang isa ay nakilalang si PO1 Liderato Cruz, 32, may-asawa, nakatalaga sa Southern Poilice District (SPD) at residente ng no. 115 Hernandez St., Tondo, Manila habang ang isa ay si PO3 Dennis Santiago, 43, nakatalaga sa District Public Safety Batallion sa headquarters ng Manila Police District (MPD).
Nabatid na alas-2:10 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Herbosa at Juan Luna Sts., Tondo, sakop ng nasabing istasyon.
Dinala sa Mary Johnston Hospital ang dalawang biktima. Si Cruz ay nagtamo ng multiple gunshot wounds habang isang tama ng bala sa kanang hita ang natamo ni Santiago.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente dahil ang sinasabi lamang na dahilan ay gitgitan sa kalye.
Inaalam din kung bakit hindi ang service firearm ni Cruz ang nakita sa insidente
The post 2 pulis, nagbarilan sa away-trapiko appeared first on Remate.