Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lango sa alak, todas sa Maynila

$
0
0

HINIHINALANG dahil sa pagkalulong sa alak kaya tuluyang bumigay ang katawan at namatay ang isang 50-anyos na Freelance electrician sa Sta. Mesa., Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Renato Acero, ng 3498 R. Magsaysay St., Sta. Mesa, Manila.

Sa report ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 10:00 a.m. nang nadiskubreng patay na ang biktima ng ka-live-in nito na si Mila Ramos sa loob ng kanilang bahay.

Dakong 2:00 ng madaling-araw nang nakaramdam umano ng matinding pananakit ng tiyan ang biktima kaya pinakin ni Mila ng lugaw hanggang sa nakatulog ito.

Kinabukasan, ayaw sanang pumasok ni Mila dahil sumasakit pa rin ang tiyan ng biktima ngunit sinabi ng biktimang ‘wag na siyang intindihin.

Gayunman, umuwi pa rin si Mila subalit napansin na sarado ang kanilang bahay kaya sumilip ito sa butas kung saan nakita ang asawa na nakahiga at tila hindi na gumagalaw kaya sa tulong ng kanyang mga kapitbahay ay sinira ang lock ng kanilang pintuan at nakumpirmang patay na nga ang biktima.

Sinabi ni Bautista na “habitual” drinker umano ang biktima.

Nabatid pa kay Bautista na bago sumakit ang tiyan ng biktima ay uminom ito ng alak. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>