KAPWA nalitson nang buhay ang isang mag-ina nang tamaan ng kidlat sa Batangas kahapon, Hulyo 14.
Dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng third degree burn sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang mag-inang sina Mercedes Gruman, 40, at Anthony, 18, kapwa ng Barangay Pantalan, Nasugbu, Batangas.
Batay sa ulat, pauwi na ang mag-ina mula sa bukid habang patong sa ulo ang mga damong pakain para sa alagang baka nang biglang tamaan ng kidlat.
Nasa ilalim ng signal no. 1 nitong Lunes ng hapon ang lalawigan nang maganap ang insidente.
Ngayon ay nasa signal no. 2 na kasama ang Metro Manila at iba pang lalawigan. Robert C. Ticzon