Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pampasaherong bus, nagliyab sa SLEx

$
0
0

NAGLIYAB ang isang pampasaherong bus sa Southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEx) sakop ng Nichols, Pasay, Martes ng umaga.

Sa salaysay ng driver ng bus na may plakang TWD 648, nasa Santolan pa lang sila ay may naaamoy na silang kakaiba sa likurang bahagi ng bus kaya minabuti nitong pababain muna ang mga pasahero.

Ngunit sa service road pa lang ng Nichols ay nag-umpisa nang lumiyab ang bus at tuluyang natupok.

Ligtas namang nakababa ng bus ang driver at kundoktor ng bus.

Walang nasugatan sa insidente, at inaalam na ang sanhi ng sunog na nagdulot ng pagsisikip ng trapiko sa lugar. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>