PINANINIWALAANG nagpakamatay ang isang lalaki na nakitang nakabitin sa poste ng kanilang bahay sa Purok 7, Asin Rd., Baguio City.
Nakilala ang biktimang si Christian Joseph Miranda, ng Bacoor, Cavite at naninirahan sa lungsod ng Baguio.
Napag-alamang nakita na lamang ng katulong na si Lina Reyes ang bangkay ng biktima nang magsasampay na sana ito sa rooftop ng pinagsisilbihang bahay.
Nakabitin umano ang biktima sa poste sa pamamagitan ng alambre na may nakatali pang tela sa leeg nito.
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), naniniwala sila na nagpakamatay ang biktima dahil nakita nila sa CCTV camera na umakyat ito sa rooftop ng kanilang bahay pasado ala-una ng madaling-araw kahapon.
Kasalukuyan nang nakaburol ang bangkay nito sa isang punenarya sa nasabing lungsod. Marjorie Dacoro