URDANETA, PANGASINAN – Dalawa ang patay habang dalawa rin ng sugatan matapos mabangga ng mga sasakyan sa Urdaneta at Lingayen, sa nasabing lalawigan.
Ang una ay naganap sa Urdaneta City na kung saan ang biktimang si Alfredo Tolentino ay nabangga ng kumaragasang motorsiklo na minamaneho ni Aristotle Montero na nagresulta ng pagkamatay nito.
Ayon sa pulisya, nawalan ng kontrol si Montero kaya nabangga niya ang biktima na nakikipagkwentuhan lamang sa gilid ng kalsada.
Reckless imprudence resulting to homicide ang inihandang kaso laban kay Montero na naka-confine sa opital.
Samantala, sa Lingayen City, isang Carolina Bandon ang patay matapos bumangga ang sinasakyang motosiklo na minamaneho ni Daniel Baloto.
Sa imbestigasyon, binabaybay ni Baloto ang national highway ng Barangay Domalandan nang biglang na-out of balance ito at tumama sa isang concrete na pader.
Dead-on-arrival si Bandon sa ospital habang ginagamot pa ng mga si Baloto. Allan Bergonia