NASA kritikal na kalagayan ang isang mister matapos itong pagtulungang pagsasaksakin ng basag na bote nang magkapatid na kalugar nito kamakalawa ng hatinggabi sa Caloocan City.
Ginagamot sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Wilfredo Bula, 55, ng #126 H. Briones St., 7th Avenue, Grace Park, Bgy. 52 ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak sa tiyan.
Agad namang naaresto ang mga suspek na sina Michael Jalova, 26, at nakatatandang kapatid na si Romualdo na nahaharap sa kasong attempted murder.
Sa ulat ni PO3 Romel Bautista, dakong hatinggabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa loob ng compound ng biktima sa nasabing barangay.
Nag-iinuman umano ang biktima kasama ang anak nitong si Junior at John-John nang makihalubilo ang mga suspek.
Dahil sa kantiyaw ni John-John ay dito na nag-init ang ulo nga mga suspek.
Nagbasag ng bote ng beer ang mga suspek at pinagsasaksak si John-John na inawat naman ng biktima kaya siya ang napagbalingang tarakan ng basag na bote. Roger Panizal