MANGIYAK-NGIYAK na sumugod sa himpilan ng pulisya ang isang 15-anyos na dalaga matapos na hindi makayanan ang pagsasamantala na ginagawa ng kanyang stepbrother sa may RH Mother sa Cotabato City.
Si “Nene,” hindi niya tunay na pangalan ay dalawang taon nang ginagahasa ng kanyang stepbrother sa kanilang tahanan.
Naglakas-loob siyang sumugod sa mga otoridad dahil pinagbantaan na umano siyang papatayin ng suspek kapag may pinagsabihan siya ng kanilang sikreto.
Mahaharap sa kasong rape ang suspek.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Women’s Desk ng Cotabato City Police ang biktima. Marjorie Dacoro