Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pasahero nag-amok, 1 patay, 6 sugatan

$
0
0

NAGLUNSAD ng internal investigation ang hanay ng pulisya kaugnay sa pagkabaril ng isang pasahero na nag-amok sa loob ng intergrated bus terminal sa Agora, Barangay Lapasan sa siyudad ng Cagayan de Oro.

Ito’y matapos mapag-alaman ni S/Insp Evan Vinas, hepe ng Agora Police Station na mayroong lapses na nagawa ang kasama ni SPO1 Jerome Diolanto sa pagbaril ng biktimang si Erwin Berlin.

Aniya, kung anoman ang resulta ng imbestigasyon ay agad ipatupad at papatawan ng parusa ang mga tauhan niyang nasangkot sa kapalpakan.

Inihayag ni Vinas na napilitan umanong barilin ni Diolanto ang suspek dahil bitbit ni Berlin ang kutsilyo kung saan nasaksak pa nito ang deputy station commander nilang si Insp. Danilo Calurasan.

Limang katao pa ang natamaan din ng stray bullets na kinabilangan ng mga biktimang sina David Galendo at Rolly Lurok, bus driver na si Victor Dominguez, bus conductor na si Arnel Rebajado at terminal vendor na si Virgie Caiña.

Tumanggi na rin si Galendo kung mayroong nagawang lapses ang pulisya ukol sa nangyaring komosyon sa loob ng terminal.

Napag-alaman na ang .9mm pistol ni Diolanto ang umano’y nakatama sa paa at tiyan ni Berlin na dahilan sa agaran nitong pagkamatay. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>