Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

11 preso sa Mandaluyong City police cell, nakapuga

$
0
0

LABING-ISANG preso ng Mandaluyong Police detention cell ang nakatakas kaninang madaling-araw, Hulyo 21.

Ani Mandaluyong City Police Chief Senior Superintendent Tyrone Masigon, sinira ng mga preso ang rehas bandang  1 a.m. hanggang 3 a.m.

Winasak din ng mga preso ang kandado ng pintuan ng kulungan para tuluyang makatakas.

Ani Masigon, nadiskubre na lamang ng mga jail guard ang insidente nang nang nagroronda na sila.

Pawang may mga kasong robbery, illegal drugs at theft ang mga nakapuga.

Nahuli naman sa isinagawang follow-up operations sa Welfareville Compound ang isa sa mga preso na kinilalang si Gabby Capistrano.

Mayroon pang 10 kabilang ang itinuturong promotor sa pagtakas na si Djordan Villadolid.

Tatlong araw umanong nilagari ng mga preso ang kanilang rehas na sinabayan ng pagbuhos ng tubig upang walang makarinig.

Walo umano ang hindi sana sasama sa pagtakas, pero ginising at tinakot umanong bubugbugin ng grupo ni Villadolid kung hindi sasama sa kanila.

Samantala, sinibak na sa pwesto ang limang jail guard kasama ang superior nito na naka-duty nang mangyari ang pagtakas ng mga preso.

Dahil dito, hinigpitan na agad ang sistema sa mga dalaw sa bilangguan para hindi na maulit ang pagpuga ng mga preso. Robert C. Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Top 100 Tagalog Love Quotes Collections Online


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Good Morning Quotes


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


“Hanggang s apag tanda natin”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


FORTUITOUS EVENT



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>