ISANG bisitang babae ang itinuturong nag-abot ng lagare para makapuga ang mga preso sa Mandaluyong City Jail.
Ayon kay C/Insp. Melanie Martinez, tagapagsalita ng Mandaluyong City Jail, kanila na ngayong iniimbestigahan sa kung papaano naipuslit ng babae ang lagare.
Kasama rin sa kanilang imbestigasyon ang mga ni-relieved na jail guards.
Sinabi ni Martinez na dahil sa pinaigting na manhunt operations, tatlo sa mga pumuga ay nahuli muli ng mga pulis.
Hindi pa rin nahuhuli hanggang sa ngayon ang walo pang preso na pinangungunahan ng kanilang lider na si Jordan Villadolid na nahaharap sa kasong Falsification of public documents.
Ayon kay Martinez, nirelieved na sa kanilang pwesto ang limang jail guards, kasama ang kanilag superior bunsod sa pagkakatakas ng nasa 11 preso na kasama ding iniimbestigahan ng pulisya.
Sa kabilang dako, ayon kay Mandaluyong Police Station Chief S/Supt. Tyron Masigon, tatlong araw umanong nilagare ng grupo ni Villadolid ang rehas na bakal.
Inihayag ni Masigon na hinigpitan na nila ang pagbisita sa mga preso. Johnny F. Arasga