SAN FERNANDO, LA UNION – Upang patunayan na walang kabit, isang mangingisda ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa likod ng kanilang bahay sa San Fernando, sa nasabing lalawigan kahapon ng hapon, July 21.
Nakilala ang biktima na si Linberg Carino, 36, ng Barangay San Francisco, sa nasabing bayan.
Dead-on-arrival ang biktima sa ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC).
Sa imbestigasyon, sinabi ng San Fernando police na nakikipag-inuman si Carino sa ilang mga kaibigan at kamag-anak at sinabing magpapakamatay siya dahil pinaghihinalaang siya ang may karelasyon na ibang babae.
Naunang umalis si Carino at nagtungo sa likod ng bahay at laking gulat ng isa sa kanyang mga kainuman na nakabitin na lamang ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing kaso. Allan Bergonia