Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot, kritikal sa pamamaril sa Navotas

$
0
0

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kaninang madaling-araw, July 23, sa Bgy. Northbay Boulevard South, Navotas City.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Restituto Cabrida, 28, ng Road 10 NBBS sanhi ng mga tinamong bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, ala-1:45 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa tapat ng R.V Marzan sa nasabing barangay.

Sa salaysay ni Mario Lagalit, tricycle driver habang nag-aantay ito ng pasahero napansin nito ang biktima na duguan nakahandusay sa kalsada kaya agad itong isinakay at isinugod sa nasabing ospital bago tumawag ng pulis.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya at inaalam kung sino ang responsable sa pamamril at kung ano ang motibo sa insidente. Roger Panizal


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>