NAHIWA ang ari ng isang 26-anyos na lalaki nang saksakin siya ng kanyang nakatatandang kapatid sa Pandacan, Maynila kaninang madaling-araw.
Ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Raymund Motis, ng 19O1-K Int. 16 Zamora St., Pandacan, Maynila sanhi ng saksak sa ari.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatatanda nitong kapatid na si Ferdinand Motus, 4O, binata na tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni Supt Luis Francisco, Jr. dakong 1:00 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magkapatid.
Ayon kay Angelita delos Santos, live-in partner ng biktima, bago naganap ang insidente ay narinig nitong nagtatalo silang magkapatid hanggang sa narinig na lamang nito na sumigaw siya na “may tama ako” at nakitang duguan kaya isinugod ito sa ospital habang tumakas naman ang kanyang utol matapos ang pananaksak.
Ayon pa kay Angelita, madalas umanong mag-away ang magkapatid. Jocelyn Tabangcura-Domenden