PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng isang seaman at dalawang babae matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Sauyo, Novaliches, Quezon City.
Kinilala ang dalawa sa biktima na sina Rosie at Erma Bautista.
Nabatid na sakay ng kotse ang tatlo na minamaneho ng seaman nang pagbabarilin ng mga salaring sakay ng motorsiklo.
Inaalam pa ang motibo sa krimen. Gina Roluna