Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

DSWD workers na kinidnap ng ASG, laya na

$
0
0

DAHIL sa mahigpit na pagtugis ng awtoridad sa mga miyembro ng Abu Sayyaf kidnappers, nakalaya na ang huli sa apat na kawani ng Department of  Social Welfare and Development (DSWD) na kanilang dinukot sa Sulu noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Senior Supt.  Abraham Orbita, na binitiwan ng kidnappers ang kanilang bihag na si Robert Saputalo sa may Barangay Danag, sa Patikul town dakong 10 nitong nakaraang Miyerkules.

Mula naman sa nasabing barangay, naglakad ng ilang oras ang biktima bago natagpuan ng kapulisan sa Barangay Kagay sa Talipao.

Dinala naman agad si Saputalo sa sa provincial police headquarters at sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) para sa kaukulang medical check-up at debriefing.

Ipinagmalaki naman ni Orbita na kaya binitiwan ng mga bandido si Saputalo ay dahil sa kanilang inilatag na law enforcement operations laban sa kidnappers.

Si Saputalo at tatlong iba pang kasamahan sa DSWD sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay nagsasagawa ng survey para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P) nang tangayin ng Abu Sayyaf members noong Hulyo 17.

Una nang nakalaya sina Lerma Jurah, Agustino Sicangco at ang misis nitong si Nurhati. Robert C Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>