NASAKOTE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Koreano na sangkot sa Cybersex operation sa Barangay Poblacion, Makati City.
Narekober ng awtoridad sa unit ng mga suspek ang 100 sim cards, 10 computers, card readers, mga litrato ng hubad na babae mula sa pornographic sites na nakasulat pa ang passwords, at isang white board na may instructions kung paano gumawa ng account sa mga social networking sites.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Ronald Aguto, bukod sa credit card fraud at identity theft, posibleng sangkot din sa cybersex syndicate ang apat na Korean.
Sisilipin din kung may kinalaman sa online betting ang mga Koreano dahil posibleng hindi rin rehistrado ang mga ito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sinubukan namang kunan ng pahayag ang mga Koreano lalo’t isa sa kanila ay nakakapagsalita ng Filipino pero mas pinili nilang manahimik. Johnny F. Arasga