Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pagpatay sa doktor sa Cebu, gawing “eye opener”

$
0
0

PINAALALAHANAN ngayon ng City Intelligence Branch (CIB) ng Cebu City Police Office sa lahat ng mga security agency na maging responsable sa pagpatupad ng seguridad at gawing “eye opener” ang nangyaring pamamaril ng pasyente sa isang doktor sa loob mismo ng Sacred Heart Hospital sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay C/Insp. Romeo Santander ng CIB, dapat mabigyan ng importansya ng mga security agency ang nasabing insidente para hindi na maulit pa ito sa pagdating ng panahon.

Dagdag pa ni Santander, dapat hindi selective ang mga guwardya sa pagpapatupad ng security measures katulad na lang kahapon na dahil naka-wheelchair ang pasyente agad inisip ng mga guwardya na hindi na banta ito sa seguridad.

Ayon pa kay Santander, bibihira lang ang insidente katulad kahapon dahil hindi talaga agad mabasa ang criminal instinct ng isang tao.

Samantala, nagpalabas din ng offical statement ang Cebu Medical Society (CMS) na nananawagan na dapat busisiin ng gobyerno ang mga security agency kung may sapat na training ba ang mga guwardya.

Dahil dito, iginiit ni Cebu Medical Society president Dr. Marlon Co na hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring kalunus-lunos na krimen sa loob mismo ng isang sa guwardyadong lugar.

Binigyang-diin ni Dr. Co ang nangyaring pamamaril sa loob ng korte na napatay ang isang doktor na plaintiff at nagbaril din ang defendant na foreigner.

Tinukoy din nito ang pamamaril at napatay din ang isang doktor sa mismong klinika nito ng isang foreigner ilang taon na ang nakalipas.

Kung maaalala binaril ng pasyente na si Wilfredo Sabonsolin ang kanyang doktor na si Dr. Chris Abbu sa loob ng pagamutan na namatay ang doktor at nagbaril din sa sarili ang pasyente na naka-wheelchair. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>