BACARRA, ILOCOS NORTE – Kritikal ang isang lolo matapos saksakin ang kanyang sarili at tumalon sa balon sa Barangay Sangil, Bacarra, sa nasabing lalawigan.
Ang biktima ay nakilalang si Francisco Saguisi, 65, ng Barangay Sangil, sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Bacarra chief-of-police Sr. Inspector Adriano Licudan, ang biktima ay nasa harap ng kanilang bahay ng bigla saksakin ang kanyang dibdib ng dalawang beses.
Pagkasaksak, tumalon siya sa katabi niyang balon na nakita ng kanyang kapitbahay na agad tumawag ng rescue team
Sinabi ni Licudan na sobrang “depression” ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng biktima. Allan Bergonia