Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bumaril sa private lawyer sa Pasay nasakote na

$
0
0

NASAKOTE na ngayon ng mga tauhan ng Pasay City Police ang suspek na bumaril at malubhang nakasugat sa isang private lawyer naturang lungsod.

Ang suspek na kinilalang si Hajman Pangsiong, residente ng EDSA Pasay City ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Pasay City Regional Trial Court noong July 22, 2014.

Batay sa naunang ulat ng pulisya si Pangsiong ay itinuturong bumaril kay Atty. Emmalinda Noble noong nakaraang Abril 25, 2014 dakong 3:40 ng hapon sa tapat ng isang fastfood chain sa Cuneta Astrodome.

Bumaba ng kanyang sasakyan si Atty. Noble ng biglang sumupot ang suspek at walang habas na pinaputukan ng baril.

Nabatid na si Atty. Noble ay dinala sa pagamutan bunga ng malubhang tama ng bala sa dibdib ng kalibre .45 pistol.

Napag-alaman pa na si Pangsiong din ang pangunahin suspek na nag-utos sa isa nitong tauhan na barilin at patayin ang asawa nitong si Atty. Henry Noble sa Pangasinan may ilang taon na ang nakalilipas.

Ang suspek at kasama nito ay nasakote na ng awtoridad at nakapiit ngayon sa Bureau of Jail Management (BJMP) sa Pasay City sa kasong murder at frustrated murder. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>