PATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Cresencio Ilagan Salivia, 45, ng Barangay Mamala.
Nabatid na naabutan na lamang ng pulisya na patay na ang biktima sa madamong bahagi ng Barangay Bignay 2 matapos makatanggap ng text message mula sa hindi nagpakilalang residente hinggil sa pinagbabaril na biktima.
Lumalabas na alas-10:50 ng gabi nang makitang ang tricycle ay sinusundan ng motorsiklo sa nasabing lugar. Makaraan ang ilang minuto ay tumigil ang tricycle at motorsiklo saka ang sunod-sunod na putok ng baril.
Inaalam na ang motibo sa krimen. Gina Roluna