Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dalagitang palaboy nagpasagasa sa taxi, tigbak

$
0
0

NAGPASAGASA sa taxi ang isang hindi nakikilalang dalagitang palaboy sa Quezon City kaninang madaling-araw, Hulyo 28.

Dead-on-the-spot sanhi ng kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang hindi nakikilalang biktima na inilarawang 11 hanggang 14-anyos, nakasuot ng puting t-shirt, maong shorts at tsinelas.

Sumuko naman agad sa awtoridad ang suspek na si Jose delos Santos, driver ng Dollar taxi upang ibigay ang kanyang panig hinggil sa insidente.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-5 ng madaling-araw sa kanto ng V. Luna Road at Matatag St., Barangay Piñahan, Q.C.

Ayon kay delos Santos, may sakay siyang pasahero noon at tumatakbo nang tama lang nang masagasaan niya ang inakalang damit lamang o basurang nakakalat sa nasabing kalsada.

Pero nang may kumalabog sa ilalim ng kanyang taxi, inihinto niya ito sa gilid ng kalsada at saka lamang niya nalaman na tao pala ang kanyang nasagasaan.

Ayon sa mga nakasaksi, biglang humiga ang naturang dalagita sa kalsada habang parating ang taxi.

Ayon naman sa mga residente, madalas nilang nakikita ang biktima na pagala-gala sa kanilang lugar pero hindi nila alam kung taga-saan talaga ito. Robert C Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>