Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-utol, sugatan sa gulpi at saksak

$
0
0

KAPWA nasa malubhang  kalagayan ang  mag-utol na lasing matapos pagtulungang gulpihin at saksakin ng apat na hindi nakilalang kalalakihan, Linggo ng gabi, July 27, sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang magkapatid na sina Agapito, 30, at Christian Sauro, 22, pawang helper at residente ng #6314 CF Natividad St., Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng saksak sa dibdib at bugbog sa katawan.

Pinaghahanap naman ang apat na hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Nauna rito, maaga pa lamang na nag-iinuman ang mag-utol kasama ang pinsan nitong si Primitivo “Bong” Rivera sa loob ng kanilang bahay.

Nang matapos, hinatid ng mga biktima ang pinsan sa labasan upang sumakay ng tricycle nang salubungin sila ng apat na suspek at walang sabi-sabing ginulpi ang nakababatang Sauro.

Isa sa mga ito ang bigla na lamang sinaksak si Christian dahilan para tulungan ito ng kanyang kuya hanggang sa siya ang mapagbalingang gulpihin at saksakin.

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang apat na suspek habang isinugod ng kanilang pinsan ang magkapatid sa nasabing pagamutan kung saan kapwa nasa malubhang kalagayan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang mabatid kung ano ang motibo sa nasabing insidente at kung sino ang mga suspek. Roger Panizal


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>