Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trike vs motorsiklo sa Malabon, 3 kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang tatlo katao kabilang ang isang grade 7 na estudyanteng babae matapos magkasalpukan ang sinasakyang motorsiklo at tricycle ng mga ito kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Lamberto De Guzman, 34, factory worker ng #225 Gov. Pascual St., Brgy. Sipac, Navotas City, Syrene Rose Guache, 15, grade 7 student at Joeferson Dela Cruz ng #43 Sanchez St., Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 6:20 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M.H Del Pilar at Dionisio St., Brgy. Maysilo ng nasabing lungsod.

Sakay ng tricycle na minamaneho ni Dela Cruz (9076-UT) ang estudyanteng si Guache nang biglang sa pagliko sa kanto ay bumulaga sa harap nito ang motorsiklong (Yamaha Mio, 7852-TH) minamaneho ni De Guzman.

Dito na nagkasalpukan ang dalawang sasakyan dahilan ng pagkakasugat ng mga biktima.

Kapwa nahaharap sa kasong Serious physical injury at damage to property ang dalawang driver. Roger Panizal


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>