Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Family driver todas sa ambush sa Malabon

$
0
0

PATAY ang isang  family driver matapos tambangan  at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay sakay ng motorsiklo Sabado ng gabi sa Letre Road Bgy. Tonsuya Malabon City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktima  na si Edward Bilbao, 33, ng Flovi homes 8 Phase 6 Letre road, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.
Sa imbestigasyon, alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.
Sakay ang biktima ng kanyang Rusi motorsiklo na blue pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng hindi nakilalang suspek saka siya binaril.
Inaalam na ang motibo sa krimen. Roger Panizal

Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>