Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Barangay kagawad niratrat sa Ilocos

$
0
0

PATAY ang isang barangay kagawad nang ratratin ng hindi nakilalang mga suspek sa Santa, Cruz, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Barangay kagawad Antonio Cabalbag Cudiamat, 42, ng Barangay Pinipin, Sta. Cruz.

Sa imbestigasyon, pauwi na si Cudiamat lulan ng kanyang tricycle nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo na agad nitong ikinamatay.

Base sa mga basyong nakuha sa pinangyarihan at katawan ng biktima, 9 mm at cal. 45 ang ginamit na baril.

Nabatid na ang biktima ay dalawang linggo nang sinusubaybayan ng PDEA dahil isa siya sa mga taong nasa drug watchlist.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaslang. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>