Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 dakip sa shabu sa Pangasinan

$
0
0

SAN JACINTO, PANGASINAN – Pitong ang naaresto makaraang maaktuhan sa isang “pot session” at pagre-repack ng shabu sa isang drug den sa San Jacinto, sa nasabing lalawigan kahapon, August 4.

Kinilala ang mga suspek na sina Jesus Columbres, Jr., alyas “Lakay”; Joe Federico Buenavista, alyas “Joco”, 30; Rolando Conlas, Jr., 27; Lyka Buenavista, 27; Alvin Lamibao, 25; Charmy Cruz, 18; at Matthew Arnold de Guzman, 37.

Ayon sa pulisya, si Columbres ay pinsan umano ni San Jacinto Vice Mayor Rolando Columbres.

Sa imbestigasyon, isang concerned citizen ang nag-tipped off sa kinaroroonan ng mga suspek kung saan nagsasagawa ng repacking at pot session.

Nagsagawa ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), San Jacinto police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa may San Ildefonso St., Barangay Capaoay para masakote ang mga adik na suspek.

Nahuli sa aktong sumisinghot ng ipinagbabawal na gamot  at nag re-repack ng shabu ang mga suspek.

Nakuhanan ang mga natimbog ng mga drug paraphernalia at mga shabu.

Nahaharap sa kasong Anti-iilagal Drug Act ang mga suspek. Allan Bergonia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129