Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ex-pulis arestado sa panghoholdap

$
0
0

ARESTADO ang isang dating pulis dahil sangkot umano ito sa panghoholdap sa mga turista sa Mandaluyong City kagabi.

Hawak ngayon ng MPD-General Assignment Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Eduardo Cayabyab, 40, dating nakatalaga sa MPD-Mobile Patrol at taga-19 Dalisay St., Barangay Plainview, Mandaluyong City.

Ang pagkakaaresto ng suspek ay bunsod na rin ng isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng MPD-GAIS makaraang ituro siya sa pamamagitan ng photo gallery ng kanyang nabiktima na si Young Doo Kim, 49, Korean national, at nanunuluyan sa Sogo Hotel.

Nauna rito, nakatayo lamang umano ang biktima sa harap ng hotel habang naninigarilyo nang dumating ang gray na Adventure na walang plaka at may conduction sticker na BZ2640 lulan ang dalawang suspek.

Sapilitang isinakay ang biktima at saka hinoldap sa loob ng sasakyan.

Nang makatunog na may pulis na paparating, itinulak na palabas ang biktima at pinaputukan ang mga papalapit na pulis saka tumakas.

Gumanti ng putok ang mga Tourist police pero tuluyan nang nakalayo ang mga suspek.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at matapos kumpirmahin ng kanilang “asset” na nasa kanyang bahay ang suspek ay agad na nagsagawa ng operasyon ang awtoridad dahilan para madakip ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>