Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 menor missing sa ilog sa Pangasinan

$
0
0

BAUTISTA, PANGASINAN – Hinahanap pa rin hanggang sa ngayon ang dalawang menor-de-edad matapos tangayin ng malakas na anod ng Agno River sa Bautista, sa nasabing lalawigan.

Kinilala ng Bautista police ang mga biktima na sina Ronald Perez, 14, at Rodnel Justro, 13, pareho ng Barangay Diaz, nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang biktima ay nagkayayaang maligo sa Agno River na malakas ang alon.

Sa kanilang paliligo, isang malakas na “water current” ang tumangay sa kanila sa malalim na parte ng ilog hanggang sa mawala sila.

Dahil sa lalim ng tubig, hindi na makita ang dalawang biktima at hanggang sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang mga biktima. Allan Bergonia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>