Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sekyu, natagpuang patay sa bahay sa QC

$
0
0

NATAGPUANG patay ang isang security guard sa loob ng bahay nito sa Barangay Commonwealth, Quezon City kagabi, Agosto 5, Martes.

Ang biktima na nakilalang si Benjie Bonzon, 47, ng Riverside St., Barangay Commonwealth, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detention Unit (QCPD-CIDU), alas-8:00 ng gabi nitong Martes nang madatnan ng asawa nito na nakahandusay ang biktima sa kanilang higaan.

Humingi ng tulong ang asawa nito sa kanilang kaanak na agad namang itinawag sa mga otoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente, tanging mga sugat lamang sa kamay ng biktima ang nakita na hinihinalang mula sa kagat ng daga. Santi Celario


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>