PATAY ang dalawang lalaking namatay matapos bumangga ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang motorized trisicad sa Purok 9, Bgy. Sto. Niño, Butuan.
Nakilala ang mga biktimang sina Eric Serrano, 24, driver ng motorsiklo at ang angkas nitong si Rico Montañez, parehong residente ng Purok 2, Brgy. 3, Cabadbaran City sakop sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Tumilapon sa layong 10-metro ang mga biktima habang ang motorized trisicad na puno ng pasahero ay sumemplang naman.
Nagtamo lamang ng minor wounds ang mga pasaherong sakay ng motorized trisicad habang pareho namang dinala sa ospital ang mga sakay ng motorsiklo. Marjorie Dacoro