Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

13-anyos dinugo sa tricycle driver

$
0
0

NASA ospital ngayon ang 13-anyos na dalagita matapos makaranas ng excessive bleeding nang gahasain ng tricycle driver sa Lucena City.

Sa isinagawa namang operasyon ng PNP, agad na nahuli ang 22-anyos na suspek.

Una rito, pinakiusapan ng asawa ng suspek ang 13-anyos na biktima na bantayan muna ang kanyang mga anak dahil pupunta siya sa palengke.

Nagtungo naman sa bahay ng suspek ang biktima subalit habang binabantayan nito ang mga bata ay kinausap umano siya ng suspek na makipagtalik sa kanya kapalit ng pera.

Tumanggi naman ang biktima ngunit sapilitan siyang hinila ng suspek sa isang kwarto at doon pwersahang ginahasa.

Matapos ito’y pinauwi na umano ng suspek ang biktima at binigyan pa ng dalawang sanitary napkin dahil dinugo ito.

Nang dumating sa bahay ay napansin ng ina ng biktima ang labis na pagdurugo ng biktima kung kaya kahit natatakot ay nagsumbong na ang dalagita tungkol sa ginawang panghahalay sa kanya ng suspek. Gina Roluna


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>