Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

1 patay, 3 sugatan sa pagbaliktad ng jeep sa Rizal

$
0
0

BUMALIKTAD ang isang jeep na may kargang mga troso na ikinamatay ng isang lalaki at pagkasugat ng tatlong iba pa sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal  kagabi.

Namatay doon din ang pahinante ng jeep na si Aldrin Reynog, naipit sa troso.

Sugatan naman at dinala sa ospital ang driver na si Jaime de Roxas at dalawa pa nitong pasahero.

Salaysay ni Gabriel Cariaga, isa sa mga sakay ng jeep, mabagal lamang ang takbo ng sasakyan nang biglang mawalan ng preno.

Galing sa main road ang jeep nang mawalan ng preno dahilan upang sumampa sa bakanteng lote at bumaliktad.

Hinala naman ng rescue team, iligal ang mga kargang troso ng jeep dahil walang mailabas na permit ang mga sakay nito.

Ayon kay Teymund Cedeno ng rescue team ng Taytay, posibleng sobra sa kapasidad ng sasakyan ang bigat ng mga troso.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with multiple physical injuries ang driver. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>