NAARESTO na ng operatiba ng National Bureau of Investigation si Ex-Gen. Jovito Palparan kaninang madaling-araw sa Sta. Mesa, Maynila.
Alas-3 ng madaling-araw nang malambat si Palparan habang nagwi-withdraw ng pera sa isang ATM machine.
Ilang taon na ring pinaghahanap ng batas si Palparan.
Ang heneral ay may warrant of arrest sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng University of the Philippines (UP) students na sina Karen Empeño at Sheryn Cadapan noong 2006.
Isa si Palparan sa itinuturing na ‘high-profile fugitives’ ng gobyerno at may P2 milyong patong sa ulo. Gina Roluna